A collection of bible verses,qoutes and originally made stories and poem by ALTHEYRIGHT.

Sunday, June 17, 2012

PARA SA IYO AMING MAHAL NA PAPA (HAPPY FATHER'S DAY)

ANG AMING DAKILANG AMA

                Ang araw na ito ay inilaan para sa mga tatay sa buong mundo..At isa na doon ang pinakamamahal nmin na ama na si ISAIAS CANONES ALDERITE..Malaki ang pasasalamat namin sa Poong Maykapal sa ipinagkaloob nya sa amin ang isang mapagmahal at maalalahaning ama.

                 Masasabi ko rin na minsan na "PA, SORRY!"kasi isa ako sa anak nyo na matigas ang ulo at minsan sumusuway sa inyong kagustuhan at di nakikinig sa inyong mga payo. At alam namin pa na ang lahat ng ito ay ginagawa nyo, ay para rin sa aming kapakanan at kabutihan.

              "PA, THANK YOU! sa lahat na sakripisyo na iyong ginagawa para matustusan ang aming pangangailagan sa araw araw THANK YOU din pa sa pagmamahal at pag aaruga sa aming magkakapatid, nang dahil sa inyo ni mama naging matagumpay ang aming buhay. Utang namin sa inyo ni mama kung ano kami ngayon..


"PA,WE LOVE YOU! mahal na mahal ka namin kahit minsan may nagawa kang pagkakamali pero ikay aming napatawad at sana pa masuklian namin ang nagawa mong kabutihan para amin at sa ating pamilya.. Para sa amin isa kang dakilang AMA...


MAHAL NA MAHAL KA NAMIN PAPA!

MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA!!

                            FROM YOUR DAUGHTERS,                          


-ANGEL AND ANA-

No comments:

Post a Comment

Your comments and suggestions are much appreciated. Thank you for Reading☻